BANGKOK, Xinhua—Nilagdaan kahapon ng Kasikorn Bank ng Thailand at kanyang 35 partner mula sa Thailand, Tsina, Hapon, Timog Korea, Indonesia, Pilipinas, Kambodya, Biyetnam at Laos, ang kasunduang pangkooperasyon. Batay sa kasunduang ito, pahihigpitin ng nasabing mga bangko ang kanilang pagtutulungan sa pagsasanay sa mga talent, pagpapalitan ng impormasyon at magkakasamang pagdedebelop ng mga produkto at serbisyong pinansyal.
Ayon kay Banthoon Lamsam, Tapangulo ng Kasikorn Bank, ang paglalagda ng nabanggit na kasunduan ay naglalayong pasulungin ang serbisyong pinansyal ng mga bangko ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea para salubungin ang pagtatatag ng ASEAN Economic Community sa taong 2015.
Salin: Jade