Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dating Pangulong Arroyo, pinayagang makalabas ng kanyang piitan

(GMT+08:00) 2014-11-04 19:33:26       CRI

NAGDESISYON ang Sandiganbayan na makalabas si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang silid sa Veterans Memorial Medical Center upang makadalo sa lamay ng kanyang apo na nasawi sa edad na 13 buwan.

Unang nagpetisyon sa Sandiganbayan ang mga abogado ng dating pangulo na payagang mapasailalim sa house arrest sa kanyang tahanan sa Forbes Park sa Makati City si Gng. Arroyo.

Pumayag ang Sandiganbayan na makalabas ng piitan sa pagamutan upang makadalo sa lamay ng kanyang apo subalit limitado ang kanyang pananatili sa labas ng pagamutan mula ala-una ng hapon hanggang ika-sampu ng gabi mula bukas, ika-apat ng Nobyembre hanggang sa Linggo, ika-siyam ng Nobyembre.

Sa Lunes, ika-sampu ng Nobyembre, papayagan si dating Pangulong Arroyo na makalabas mula ika-siyam ng umaga hanggang ikatlo ng hapon.

Namatay ang apo ni Gng. Arroyo na si Jorge Alonzo "Jugo" Arroyo dahilan sa congenital heart disease.

Inatasan ang Philippine National Police na dalhin si Gng. Arroyo sa ganap na ika-12 ng tanghali. Ang PNP rin ang maghahatid sa kanya sa Veterans Memorial Medical Center ng hindi mahuhuli sa ganap na ika-sampu ng gabi.

Dadalhin din ng PNP si Gng. Arroyo mula sa VMMC ng sa Lunes mula ika-pito ng umaga at ihahatid sa ganap na ikatlo ng hapon matapos ang libing. Gagawin ang lamay at libing sa Forbes Park, Makati. Pangangasiwaan din ng PNP ang communication at electronic devices ni Gng. Arroyo at ibang mga panauhin sa lamay hanggang sa libing.

Hindi pahihintulutan ang anumang panayam. Si Gng. Arroyo ang magbabayad ng lahat ng gastos sa pagdadala at paghahatid sa kanya. Binigyan siya ng dalawang oras na pass kagabi upang makadalaw. Isinagawa na ang cremation kagabi.

Nasa ilalim ng hospital arrest si Gng. Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center samantalang nahaharap ang kasong kriminal, partikular ang usaping plunder sa maling paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>