|
||||||||
|
||
Si Hua Chunying
Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kasalukuyan, hindi pa sigurado ang ibinalitang pagbiyahe sa Tsina ni Aung San Suu Kyi, Puno ng National Democratic Alliance(NDA) ng Myanmar, sa darating na Disyembre.
Sinabi ni Hua na palaging pinahahalagahan ng Tsina ang mapagkaibigang pagtutulungang pangkapitbansa sa Myanmar. Aniya, kasalukuyang nananatiling mainam ang pakikipagpalitan ng panig Tsino sa ibat-ibang paksyong pulitikal ng Myanmar na kinabibilangan ng NDA, at ito ay makakatulong sa komprehensibong pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |