|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayagang "Lianhe Zaobao" ng Singapore, patuloy na lumalawak ang manufacturing industry ng Singapore. Noong isang buwan, ibayo pang umakyat sa 52.5 punto ang Purchasing Managers' Index (PMI) ng bansa.
Ayon sa datos ng Singapore Institute of Purchasing and Materials Management (SIPMM), ang mga bagong order at bagong export orders, halaga ng produksyon, at finished goods inventory, ay nakakapagpasulong ng paglawak ng naturang industriya ng bansa.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |