Gaganapin samakalawa sa Bangkok, Thailand ang Pulong ng International Olympic Committee (IOC). Pupunta sa Thailand ang delegasyon ng Beijing na pamumunuan ni Wang Anshun, Presidente ng Lupon ng Pagbibid ng Olimpiyada at Alkalde ng Beijing, para mag-bid ng paghost ng Beijing ng Winter Olympic Games sa taong 2022. Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng pagpakita sa daigdig ng nasabing lupon ng Beijing.
Ipinahayag kahapon ni Wang Hui, opisyal ng Lupon ng Beijing sa pagbibid ng Olimpyada, ang pag-asang sa pamamagitan ng 2022 Winter Olympic Games, ipapakita na may kakayahan at karapatan ang Beijing sa pagkakaloob ng isang magandang 2022 Winter Olympic Games para sa buong daigdig.
Salin: Li Feng