Ipinatalastas ngayong araw ni Qin Gang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ni Thein Sein, Pangulo ng Myanmar, kasalukuyang Tagapangulong Bansa ng ASEAN, mula ika-12 hanggang ika-14 ng buwang ito, si Premiyer Li Keqiang ng Tsina ay pupunta sa Nay Pyi Taw para lumahok sa Ika-17 Pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN (10+1), Ika-17 Pulong ng mga lider ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3), at Ika-9 na Summit ng Silangang Asiya. At opisyal na dadalaw sa Myanmar si Li Keqiang.
Salin:Sarah