Ipinatawag kamakalawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ikawalong pulong ng Central Financial Work Leading Group, kung saan pinag-aralan ang hinggil sa pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road.
Sinabi sa pulong ni Xi na ang pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road ay magkakaloob ng isang inklusibong platapormang pangkaunlaran, at makakatugon ito sa hangarin ng iba't ibang bansa sa pagpapabilis ng pag-unlad ng kabuhayan. Binigyang-diin niyang dapat pabilisin ang gawaing ito, para ibayo pang magdulot ng benepisyo sa kabuhayan ng Tsina at ibang bansa sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai