|
||||||||
|
||
Sa isang regular na preskon kahapon, ipinahayag ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na winiwelkam ng panig Tsino ang pormal na kapasiyahan ng Indonesia sa pagsapi sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) bilang miyembrong tagapagtatag sa lalong madaling panahon.
Ani Hong, ang Indonesia ay mahalagang economy sa rehiyon ng Asia. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng iba't ibang kinauukulang panig na kinabibilangan ng Indonesia, na pasulungin ang pagtatatag ng AIIB, para magsilbi itong multilateral na plataporma ng pagsasakatuparan ng mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ng iba't ibang panig.
Ayon pa sa ulat ng Reuters ng Britanya, ipinahayag kamakalawa ni Bambang Brodjonegoro, Ministro ng Pananalapi ng Indonesia, na sa susunod na linggo, posibleng ipasiya ng Indonesia ang pagsapi sa AIIB na itatatag sa ilalim ng mungkahi ng Tsina.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |