Kaugnay ng pagdalo ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa serye ng mga summit ng ASEAN na idaraos sa Myanmar, isinalaysay kahapon ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa naturang mga pulong, malalimang ilalahad ni Premyer Li ang mga patakaran at paninindigan ng Tsina hinggil sa kooperasyon ng Silangang Asya, at ihaharap ang mga bagong hakbangin at mungkahi sa aspektong ito, para ibayo pang pasulungin ang pagtatatag ng Tsina at ASEAN ng 21st Century Maritime Silk Road at pagpapatupad ng "2 plus 7" puntong balangkas ng kooperasyon.
Pagdating naman sa isyu ng South China Sea, ani Liu, muling ipapahayag ni Premyer Li ang kahandaan ng Tsina na ipatupad, kasama ng mga may kinalamang bansa ng ASEAN, ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng karagatang ito.
Salin: Liu Kai