Nang kapanayamin kamakailan ng mamamahayag ng China Radio International, ipinahayag ni Ye Htut, Tagapagsalita ng Pangulo ng Myanmar, na patuloy na pananatilihin ng relasyon ng Tsina at Myanmar naman, o relasyon ng Tsina at ASEAN ang mainam na tunguhin ng pag-unlad. Aniya, ang umiiral na patakarang diplomatiko ng matalik na magkapitbansa ng Tsina ay makakabuti sa matatag na pag-unlad ng bilateral na multilateral na kooperasyon ng rehiyong ito.
Sa malapit na hinaharap, pormal na dadalaw sa Myanmar at lalahok sa isang serye ng mga pulong ng mga lider ng kooperasyon ng Silangang Asya si Premyer Li Keqiang ng Tsina. Tungkol dito, sinabi ni Ye Htut na ang naturang biyahe ng premyer na Tsino ay may mahalagang katuturan, hindi lamang sa pagpapasulong sa pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa, kundi rin sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Silangang Asya at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Binigyang-diin din niyang ang Tsina at ASEAN ay mahalagang trade partner sa isa't isa, at bumubuti nang bumubuti ang tunguhin ng kanilang kooperasyong pangkabuhayan. Optimistiko siya sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN.
Salin: Vera