|
||||||||
|
||
ANG 108-kataong kasapi ng Philippine Peacekeeping Force sa Libera ay nakapasa sa Ebola screening test na ginawa ng mga manggagamot bilang requirement sa mga kawal bago sila pabalikin sa kanilang bansa.
CABALLO ISLAND, MAGIGING KWARANTINA. Dito maninirahan ang may 108 kawal na kabilang sa Philippine Peacekeeping Force to Liberia na darating bukas. Mananatili sila sa pulong ito sa loob ng 21 araw sa pagsasailalim sa kanila sa kwarantina. (AFP Public Affairs Office Photos)
Ayon kay Col. Roberto Ancan, commanding officer ng Peacekeeping Operations Center, natanggap na niya ang clinical assessments ng mga kawal.
Dadalhin ang mga kawal sa Caballo Island sa loob ng 21 araw matapos ang takdang pagdating bukas, ika-11 ng Nobyembre, araw ng Martes.
Inatasan ni General Gregorio Pio Catapang, Jr. AFP Chief of Staff ang Joint Task Group Liberia na magbigay ng recreational facilities maliban sa medical facilities na kailangan ng mga kawal sa kanilang pagdating sa pulo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |