Nanawagan kahapon si Thein Sein, Pangulo ng Myanmar sa mga bansang ASEAN na pasulungin ang talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Binuksan kahapon ang ika-11 Summit ng Komersyo at Pamumuhunan ng ASEAN sa Nay Pyi Daw, kapital ng Myanmar. Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Thein Sein ang pagtatangap sa RCEP na pinamumunuan ng ASEAN, aniya, ang pagpapasulong ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon ay magkakaroon ng pag-uugnay sa mga ekonomiya sa rehiyong ito. Dapat pahigpitin ang kooperasyon ng ASEAN para mabisang isakatuparan ito.