Sa Nay Pyi Taw, kabisera ng Myanmar—Binuksan dito ngayong araw ang ika-25 ASEAN Summit. Tatalakayin sa naturang summit ng mga lider ng 10 bansang ASEAN ang hinggil sa proseso ng konstruksyon ng ASEAN Community, ekspektasyon ng pag-unlad sa susunod na yugto pagkaraang itatag ang ASEAN Community, at kung paanong mapapalakas ang konstruksyon ng mga organo at sariling kakayahan ng ASEAN.
Sinabi ni Le Luong Minh, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na ang kasalukuyang taon ay kauna-unahang pagkakataon ng panunungkulan ng Myanmar bilang bansang tagapangulo ng ASEAN. Ito aniya ay may historikal na katuturan para sa Myanmar man at maging sa ASEAN.
Salin: Vera