Sa kanyang talumpati sa Ikasiyam na East Asia Summit (EAS) na idinaos ngayong araw sa Nay Pyi Taw, Myanmar, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na pasusulungin ng Tsina at mga bansa sa Silangang Asya ang kooperasyong pandagat.
Sinabi ni Li na ang susunod na taon ay taon sa kooperasyong pandagat ng Tsina at ASEAN. Aniya, sasamantalahin ng Tsina at mga may kinalamang bansa ang pagkakataong ito, para palakasin ang diyalogo at kooperasyon ng mga departamento ng pagpapatupad ng batas sa dagat, at buong husay na isagawa ang mga proyekto ng pondo ng Tsina at ASEAN sa kooperasyong pandagat.
Salin: Liu Kai