Sa kanyang talumpati sa Ikasiyam na East Asia Summit (EAS) na idinaos ngayong araw sa Nay Pyi Taw, Myanmar, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na tinatalakay ngayon ng Tsina at mga bansang ASEAN ang paglalagda sa Treaty of Good-Neighborliness and Friendly Cooperation ng dalawang panig. Ang kasunduang ito aniya ay magkakaloob ng sistematikong balangkas at garantiyang pambatas para sa mapayapang pagpapamuhayan ng dalawang panig sa hene-henerasyon.
Dagdag pa ni Li, igigiit ng Tsina ang mapayapang pag-unlad, at ito ay palagiang puwersang nangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Silangang Asya.
Salin: Liu Kai