Dumalo ngayong araw sa Nay Pyi Taw, Myanmar si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ikasiyam na East Asia Summit (EAS).
Sa kanyang talumpati sa summit, sinabi ni Li na ang mapayapa at matatag na kapaligiran ay saligang dahilan kung bakit mabilis na umuunlad ang Silangang Asya nitong ilang dekadang nakalipas, at ito aniya ay bunga ng magkakasamang pagsisikap ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa sa rehiyong ito. Binigyang-diin ni Li na dapat pahalagahan ng iba't ibang panig ang kapwa katiwasayang pampulitika at kaunlarang pangkabuhayan, para pasulungin ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, aktibong harapin ang mga pandaigdig na hamon, palalimin ang kooperasyon sa aspekto ng kabuhayan at lipunan, at itatag ang isang mapayapa at masaganang Silangang Asya.
Salin: Liu Kai