NAY PYI TAW, Myanmar—Ipininid kagabi ang serye ng pulong ng Silangang Asya. Kabilang sa mga pulong ay ang Ika-25 Pulong ng ASEAN, Ika-17 Pulong ng mga Lider ng ASEAN at Tsina (10+1), Ika-17 Pulong ng mga Lider ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3), at Ika-9 na East Asia Summit.
Sa seremonya ng pagpipinid, sinabi ni Pangulong Thein Seng ng Myanmar, bansang tagapangulo ng ASEAN na dahil sa mga pulong, nagiging mas mahigpit at mas substansyal ang diyalogo sa pagitan ng mga bansang ASENA at diyalogo sa pagitan ng ASEAN at mga partner nito; at lumalakas din ang nukleong katayuan ng ASEAN.
Sa taong 2015, ang Malaysia ay magsisilbing bansang tagapangulo ng ASEAN.
Salin: Jade