Nagtagpo ngayong araw sa Brisbane, Australya, ang mga lider ng BRICS countries na kinabibilangan ng Tsina, Brazil, Rusya, Indya, at Timog Aprika.
Ipinahayag ng naturang mga lider na dapat palakasin ng mga BRICS countries ang kooperasyong pangkabuhayan, para panatilihin ang paglaki ng kani-kanilang kabuhayan, at palakasin din ang kooperasyong pampulitika, para ipagtanggol ang pagkakapantay-pantay at katarungan ng daigdig. Ipinahayag din ng mga lider ang kahandaan ng kanilang mga bansa na aktibong lumahok sa pandaigdig na kooperasyong multilateral.