|
||||||||
|
||
Ang Ika-9 na G20 Summit ay binuksan kahapon sa Brisbane ng Australia. Nangulo sa summit na ito si Tony Abbott, Punong Ministro ng nasabing bansa. Ang tema ng naturang summit ay paglaki ng kabuhayan, hanap-buhay at pagharap sa mga hamon.
Tinalakay ng mga kalahok na lider ang hinggil sa kalagayang pandaigdig, pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan at hanap-buhay.
Sinabi Pangulong Xi na buong sikap na pananatilihin ng Tsina ang paglaki ng kabuhayan para magbigay ng mas malaking ambag para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Bukod sa isyung pangkabuhayan, pinagtibay din ng G20 Summit ang isang pahayag na nananawagan sa komunidad ng daigdig na pahigpitin ang kooperasyong pandaigdig para magkakasamang harapin ang epidemya ng Ebola virus.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |