Sa pakikipag-usap kahapon sa Beijing sa kanyang Combodian counterpart na si Pol Saroeun, ipinahayag ni Heneral Fang Fenghui, Chief of General Staff ng PLA ang pasasalamat ng Kambodya sa pagbibigay-suporta sa mga isyung may-kinalaman sa nukleong interes at usaping ikinababahala ng Tsina. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Kambodya, para palalimin ang relasyon ng dalawang hukbo at pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa sa isang bagong antas, para sa pangangalaga sa seguridad ng Asya.
Ipinahayag naman ni Pol Saroeun ang pasasalamat sa tulong na walang tigil na ibinibigay ng Tsina sa Kambodya. Aniya pa, nakahanda itong magsikap, kasama ng Tsina para ibayo pang pasuluhgin ang pagtutulungan ng dalawang bansa at hukbo.