|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayagang "Lianhe Zaobao" ng Singapore, sa panahon ng APEC Meeting sa Beijing noong isang linggo, kinatagpo ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos.
Sa pagtatagpo, ipinangako ni Joko na patuloy na bibigyang-dagok ng kanyang bansa ang terorismo at ekstrimismo. Makikipagtulungan aniya ang Indonesia sa Amerika sa pagbibigay-dagok sa terorismo.
Sapul nang manungkulan si Joko bilang Pangulo ng bansa, ito ang kauna-unahang pagtatagpo nila ni Obama.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |