Ipinahayag kamakailan ni Khofifah Indar Parawansa, bagong halal na Ministro ng mga Suliraning Panlipunan ng Indonesia, na sa kasalukuyan, halos 96 na milyon ang bilang ng mahirap na populasyon ng Indonesia, na katumbas ng mga 39% ng kabuuang populasyon ng bansa. Sila aniya ay dapat kunin ang tulong ng bansa.
Sa kanyang pakikipag-usap kay Pangalawang Pangulong Yusuf Kalla ng Indonesia, ipinangako ni Rodrigo, Regional Manager ng World Bank (WB), na patuloy na kakatigan ng WB ang gawain ng Indonesia sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap para mapataas ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayang Indones.
Salin: Li Feng