
Batay sa may kinalamang kautusan ng High Court ng Hong Kong, inalis kahapon ng mga manggagawa ang mga hadlang na inilagay ng mga kalahok sa aktibidad ng "Occupy Central" sa labas ng Citic Tower office building sa sentro ng Hong Kong.

Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Leung Chun-ying, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, na malinaw na ipinahayag ng mga kalahok sa "Occupy Central" ang kanilang hangarin, kaya wala silang katwirang lumabag sa kautusan ng hukuman.
Salin: Liu Kai