Pagkaraang magtangka kaninang madaling araw ang mga demonstrador na magpilit pumasok sa Legislative Council Complex ng Hong Kong, kapwa ipinahayag ng pamahalaan at kapulisan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ang pagkondena sa naturang aksyon.
Sa insidenteng ito, sinira ng mga demonstrador ang ilang bahagi ng gusali ng Legislative Council. Nakipagsagupaan din sila sa mga pulis na nakatalaga roon, na ikinasugat ng tatlong pulis.
Sa kasalukuyan, dinakip na ng panig pulisya ng Hong Kong ang anim na taong kalahok sa naturang insidente, at isinasagawa rin nito ang komprehensibong imbestigasyon hinggil dito.
Salin: Liu Kai