Ayon sa pahayagang "Nanyang Siang Pau" ng Malaysia, noong ika-3 kuwarter ng taong ito, sa epekto ng mabagal na paglaki ng pagluluwas at pangangailangang panloob ng bansa, lumaki ng 5.6% ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Malaysia kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Ngunit, noong ika-2 kuwarter ng taong ito, 6.5% ang naturang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan.
Ayon sa pag-analisa, sa epekto ng consumption duty at patakaran ng pamahalaan na bawasan ang subsidy, tinatayang umabot sa 5.5% hanggang 6% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan ng bansang ito.
Salin: Li Feng