|
||||||||
|
||
Lumahok ngayong araw sa Wellington, New Zealand, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonyang panalubong na inihandog para sa kanya ni Jerry Mateparae, Governor-General ng bansang ito. Pagkatapos ng seremonya, nag-usap din ang dalawang panig.
Sa pag-uusap, sinabi ni Xi na bilang magkaibigan, nagkakaroon ang Tsina at New Zealand ng komprehensibong pagpapalitan at pagtutulungan, at malawak ang prospek ng kanilang kooperasyon sa hinaharap. Ipinahayag din ni Xi ang pag-asang sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, itatakda niya, kasama ng mga lider ng New Zealand, ang blueprint ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at pasusulungin ang pagtatamo ng mas maraming bunga ng relasyong ito.
Ipinahayag naman ni Mateparae ang pag-asang palalakasin ng New Zealand at Tsina ang kooperasyon, pasusulungin ang pagpapalagayang kultural, at palalalimin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |