Nilagdaan kahapon sa Phnom Penh nina Phoeung Sakhena, Ministro ng Kultura at Sining ng Kambodya at Dong Wei, Pangalawang Ministro ng Kultura ng Tsina, ang plano ng pagpapatupad ng kooperasyong pangkultura ng dalawang bansa mula taong 2014 hanggang 2018.
Ayon sa naturang plano, palalakasin ng Tsina at Kambodya ang pagpapalitang pangkultura, at isasagawa ang mas maraming kooperasyon sa larangang ito na gaya ng pagsasanay ng mga tauhan sa aspekto ng kultura at sining, magkasamang pagsasagawa ng underwater archaeology, konstruksyon ng mga imprastrukturang pangkultura, at iba pa.
Salin: Liu Kai