Ipinahayag ngayong araw ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea ang pagkondena ng kanyang bansa sa resolusyon hinggil sa karapatang pantao ng H.Korea na pinagtibay kamakailan ng Pangkalahatang Asembleya ng UN. Aniya, ang pagpapatibay ng resolusyong ito ay isang malaking probokasyong pulitikal sa H.Korea.
Sinabi rin ng nabanggit na tagapagsalita na ang naturang resolusyon ay isang bahagi ng pagtuligsa ng mga bansang kanluranin sa H.Korea sa isyu ng karapatang pantao, at sa pamamagitan nito, ang kanilang pinal na target ay pagsasagawa ng panghihimasok militar sa H.Korea. Aniya, bilang tugon dito, palalakasin ng H.Korea ang sariling puwersang militar.
Salin: Liu Kai