Sinabi kahapon sa mamamahayag ni Kenneth Joseph Arrow, American winner ng Nobel Prize in Economic Sciences, na maganda ang ginawa ng kabuhayang Tsino sa aspekto ng pagsasapamilihan, at sa kasalukuyan, kailangang pag-ukulan ng pansin ang kung paanong magkakaloob ng mas mabuting serbisyong pampubliko.
Binigyang-diin ni Arrow na may maraming pribadong bahay-kalakal sa Tsina, at walang-humpay na itinatatag ang mga bagong bahay-kalakal. Kahit nananatiling malaki pa rin ang saklaw ng mga bahay-kalakal na ari ng estado ng Tsina, bumababa ang kahalagahan nila sa kabuhayan. Aniya, sa hinaharap, iiral pa rin ang mga bahay-kalakal na ari ng esado, at unti-unting susulong ang pagbabago nila.
Salin: Vera