Ayon sa estadistika na isinapubliko kahapon ng adwana ng lalawigang Guangdong, Tsina, mula noong Hunyo hanggang Oktubre, nanatili ang pagdaragdag ng kalakalang panlabas sa buong lalawigan. Samantala, mabilisang lumaki ang halaga nitong kalakalang panlabas sa ASEAN, noong Setyembre at Oktubre, na tumaas ng 54.9% at 39.2% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
Ipinalalagay ng adwana na tinataya pa ring lalaki ang kalakalang panlabas ng lalawigan sa susunod na dalawang buwan ng kasalukuyang taon, batay sa pag-aaral ng karanasan sa kasaysayan, kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan ng daigdig at isinasagawang positibong hakbang ng Tsina.