|
||||||||
|
||
Idinaos nang araw ring iyon ng UN Security Council ang bukas na pulong hinggil sa "kooperasyong pandaigdig sa pagbibigay-dagok sa terorismo at ekstrimismo." Pinagtibay sa pulong ang pahayag ng tagapangulo kung saan nanawagan sa komunidad ng daigdig na palakasin ang kooperasyon para mabigyang-dagok ang terorismo.
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Liu na sa kasalukuyan, malubha ang mga penomenong gaya ng madalas na aktibidad ng ekstrimismo, pagbalik ng mga terorista na tumanggap ng pagsasanay sa ibayong dagat, at pagsasagawa ng mga teroristikong organisasyon ng iba't ibang krimen sa pamamagitan ng internet. Napakatindi ng kalagayan ng paglaban sa terorismo sa buong mundo.
Nanawagan siya sa mekanimo ng paglaban sa terorismo ng UN na gamitin ang bagong ideya at hakbangin sa isyu ng pagbibigay-dagok sa terorismo sa internet. Aniya, nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa komunidad ng daigdig, para mapasulong ang kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa terorismo, at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng buong mundo.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |