|
||||||||
|
||
Si Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina
Sa kanyang talumpati ngayong araw sa Ika-5 Xiangshan Forum o Porum hinggil sa Pandaigdig na Kooperasyong Panseguridad at Katiwasayan ng Asya-Pasipiko, na idinaraos sa Beijing, iniharap ni Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, ang 3 mungkahi hinggil sa pangangalaga sa katiwasayan ng Asya-Pasipiko.
Ang naturang 3 mungkahi ay pagpapalakas ng pagkontrol sa mga hidwaan, pagpapalakas ng pagpapalitan at pagtutulungan sa mga suliraning panseguridad, at pagtatatag ng rehiyonal na organo sa seguridad.
Dagdag pa ni Chang, dapat buong lakas na magtulungan ang iba't ibang bansa sa Asya-Pasipiko, para pangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito, at itatag ang inklusibong partnership ng Asya-Pasipiko na may pagtitiwalaan, pagtutulungan, at win-win situation.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |