|
||||||||
|
||
Nanawagan kahapon si Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, sa ibang mga bansa na isakatuparan ang mga pangako sa pagbibigay-tulong sa mga bansang sinalanta ng Ebola virus para mabisang tulungan ang pagpigil at pagpawi sa epidemya ng Ebola virus.
Nang araw ring iyon, idinaos ang pulong ng UN Security Council hinggil sa epidemya ng Ebola virus. Sinabi ni Liu na umaasa ang Tsina na ibayo pang gaganap ng masusing papel ang UN at World Health Organization (WHO) sa pamamatnubay at pagkokoordina sa gawain ng komunidad ng daigdig sa paglaban sa epidemyang ito.
Inilahad din ni Liu ang mga gawaing panaklolo ng Tsina sa paglaban sa Ebola virus na kinabibilangan ng pagpadala ng mahigit 400 tauhang medikal at pagbigay ng mga bagay at pondo na nagkakahalaga ng 750 milyong yuan RMB.
Sinabi pa niya na nakahanda ang kanyang bansa na patuloy na magbigay, kasama ng komunidad ng daigdig, ng ambag para sa paglaban sa epidemyang ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |