|
||||||||
|
||
Kaugnay ng pagbibigay-dagok sa "Islamic State (IS)" at pagharap sa krisis ng Syria, nag-usap kahapon sina Pangulong Recep Tayyip Erdoğan ng Turkey at Pangalawang Pangulong Joseph Biden ng Estados Unidos.
Sa isang magkasanib na preskon, sinabi ni Biden na ang pagbibigay-dagok ng Amerika sa IS ay nangangailangan ng pagkatig ng Turkey.
Ipinahayag naman ni Erdoğan, na sa aspekto ng pagbibigay-dagok sa IS, patuloy at mahigpit na makikipagtulungan ang Turkey sa Amerika para mapangalagaan ang kapayapaan at seguridad ng rehiyong ito.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |