|
||||||||
|
||
Sa Ika-5 Xiangshan Forum na idinaos sa Beijing, tinalakay kamakalawa ng mga kalahok ang hinggil sa isyung panseguridad sa dagat. Ipinalalagay nilang dapat palakasin ng iba't-ibang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan at walang humpay na palalimin ang pagtitiwalaan para mabisang malutas ang naturang isyu sa pamamagitan ng magkakasamang pagkontrol sa hidwaan.
Sa porum, sinabi ni Raul L. Del Rasario, Pangalawang Puno ng Pangkalahatang Estado Mayor ng Tropa ng Pilipinas, na ang pagbalangkas ng isang norma o batas na katanggap-tanggap sa iba't-ibang panig ay napakahalaga para sa mabisang pagharap sa banta sa seguridad sa dagat.
Ipinalalagay naman ni Luo Yuan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng China Association for Military Science, na para sa maayos na paglutas ng may-kinalamang isyu, may positibong katuturan ang magkakasamang pagkontrol sa hidwaan.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |