|
||||||||
|
||
VIENNA, Austria—Nagpasiya kahapon ang anim na bansa na kinabibilangan ng Tsina, Britanya, Pransiya, Alemanya, Rusya at Estados Unidos, kasama ang Iran, na pahabahin ng pitong buwan ang talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran hanggang sa ika-30 ng Hunyo, 2015.
Kaugnay nito, sinabi ni Wang Yi, kalahok na Ministrong Panlabas ng Tsina na ang nasabing desisyon at mga natamong progreso hinggil sa isyung ito ay nagsisilbing pundasyon para sa paglagda sa komprehensibong kasunduan dito.
Ipinagdiinan ng ministrong panlabas na Tsino na patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng iba pang mga bansa, para makapag-ambag para sa pinal na kalutasan ng isyung nuklear ng Iran.
Ayon sa pahayag, nagpaplano ang nasabing pitong bansa na tapusin ang talastasan sa loob ng apat na buwan at pagkatapos, kukumpletuhin ang mga posibleng maiwang isyung panteknolohiya at pagbalangkas ng burador ng komprehensibong kasunduan.
Batay sa isang pansamantalang kasunduan na narating ng anim na bansa at Iran noong Nobyembre, 2013, sinuspinde ng Iran ang ilang sensitibong aktibidad na nuklear samantalang pinahupa ng mga bansang Kanluranin ang sangsyon laban sa Iran. Bukod dito, magkasamang nagsisikap sila para malutas ang isyung nuklear ng Iran.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |