"Kinokondena ng Tsina ang teroristikong pag-atake sa lalawigang Paktika ng Afghanistan, at nakikiramay kami sa mga biktima at kanilang pamilya." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa suicide bombing na naganap kamakalawa sa Afghanistan na ikinamatay ng 40 katao at ikinasugat ng 50 iba pa.
Sinabi ni Hua na tinutulan ng Tsina ang lahat ng mga teroristikong aktibidad, at sinuportahan nito ang pagsisikap ng pamahalaang Afghan sa pangangalaga sa seguridad at katatagan ng bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig, para panumbalikin ang kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng Afghanistan sa lalong madaling panahon.