|
||||||||
|
||
Isinapubliko kahapon ng www.chinalaw.gov.cn ang burador na regulasyon hinggil sa pagkontrol sa paninigarilyo sa lugar na pampubliko, kung saan binabalak na ipagbawal ang paninigarilyo sa lahat ng mga silid ng lugar na pampubliko. Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng pagtatakda ng Tsina ng ganitong regulasyon.
Ayon sa pag-aaral, lumampas na sa 300 milyon ang mga maninigarilyo sa Tsina, at halos 740 milyong mamamayan ang naaapektuhan ng second hand smoke. Mahigit 1.36 milyong Tsino ang namatay sa mga sakit na may kinalaman sa paniningarilyo bawat taon.
Noong 2003, nilagdaan ng Tsina ang Framework Convention on Tobacco Control ng World Health Organization, at nagkabisa ang kombensyong ito noong ika-9 ng Enero ng taong 2006.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |