Sa isang news briefing na idinaos kamakailan sa Jakarta, isinalaysay ni AKP Mochtan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, ang kalagayan ng pagtalakay sa katatapos na ika-25 ASEAN Summit hinggil sa konstruksyon ng ASEAN Community.
Sinabi ni Mochtan na malaki ang natamong progreso ng konstruksyon ng ASEAN Community, at sa kasalukuyan, natapos nang halos 88% ang gawaing ito. Aniya pa, sa nabanggit na summit, ipinangako ng mga lider ng 10 bansang ASEAN na pag-ibayuhin ang pagsisikap, para maisakatuparan ang konstruksyon ng ASEAN Community sa susunod na taon.
Dagdag ni Mochtan, binigyang-diin din ng mga lider ang kahalagahan ng pagbibigay-alam sa mga mamamayan hinggil sa progreso ng konstruksyon ng ASEAN Community, dahil anila magpapasulong ito sa pagkatig, paglahok, at pagbibigay-ambag ng mga mamamayan sa gawaing ito.
Salin: Liu Kai