|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Ulat noong ika-26 ng Nobyembre
SINABI ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na hindi maitatawa ang kahalagahan ng kuryente sa lipunang Pilipino sapagkat mahalaga ang papel nito sa pagbabawas ng kahirapan at pagpapaunlad ng bansa.
Nakita na umano ang matatag at patuloy na pag-angat ng ekonomiya sa mga nakalipas na taon. Mula noong 2010 hanggang 2013, umabot ang average growth sa 6.3%, ang pinakamataas mula noong dekada sitenta.
Maliwanag din sa pagunlad ng bansa, tiyak na tataas din ang pangangailangan ng enerhiya at mapapanatili lamang ang kaunlarang ito kung makatitiyak na may maaasahan at murang kuryente sa buong bansa.
Sa kanyang talumpati sa program launch ng energy policy and development, sinabi ni Kalihim Balisacan na nahihirapan pa rin ang pamahalaang matugunan ang kahirapan at kakulangan ng hanapbuhay sapagkat napakamahal ng magagastos sa pagkakalakal sa Pilipinas.
May koneksyon din ang kakulangan ng kuryente sa pangangailangan ng food and water security at maayos na pangangalakal ng likas na yaman ng bansa.
Ipinaliwanag niyang batay sa Philippine Development Plan Midterm Update 2011-2016, kailangan ang matatag, maasahan at masinop na paggamit ng energy resources at pagpapayabong ng environment friendly energy technologies.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |