|
||||||||
|
||
Delegasyong Pilipino na dumalaw sa CRI
Dumalaw ngayong araw sa China Radio International (CRI) ang delegasyong Pilipino na binubuo ng mga mamahayag, kinatawan ng akademiya at tanggapang pampahalaan.
Sa paanyaya ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, dumating sa Tsina ang 16 na Pilipino noong ika-20 ng Nobyembre at mananatili sila hanggang ika-29 ng buwang ito. Hangad ng pagdalaw na ipaalam ang kalagayan ng relasyong Sino-Pilipino, mga bagong repormang ipinatutupad ng pamahalaang Tsino, patakarang diplomatiko na nakatuon sa mga kapitbansa at ang mga pagtutulungan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Si Xian Jie (nakapula), Direktor ng CRI Filipino Service, nagbabahagi ng impormasyon hinggil sa mga gawain ng CRI
Sa kanilang pagdalaw sa CRI ibinahagi ni Xian Jie, Direktor ng Filipino Service and kasaysayan at galaw ng organisasyon para magbahagi ng impormasyon sa mga tagapakinig sa iba't ibang panig ng mundo. Bukod dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga bisitang Pilipino na malaman ang mga programa ng Serbisyo Filipino at mga aktibidad na nagpapalakas ng ugnayan sa Filipino Community sa Tsina.
Ayon sa puno ng delegasyon na si Melito Salazar ng Manila Bulletin ang aktibidad na ito ay mahalaga "Para malaman ng mabuti ng Philippine media ang nangyayari dito sa China at mapaalam din sa ating mga kababayan. Pag may knowledge, may understanding."
Bukod sa Beijing, pinasyalan nila ang Xiamen Economic Zone, Pingtan Development Pilot Zone sa lalawigan ng Fujian, Changsha Development Zone at mga pamantasan sa nasabing mga lugar. Dumalo rin sila sa seminar na itinaguyod ng Partido Komunista ng Tsina hinggil sa Rule of Law o Pangangasiwa ng Bansa ayon sa Batas.
Reporter: Mac
Photographer: Jason, Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |