Sa Jakarta, Indonesia—ipininid dito kamakalawa ang 2-araw na simposyum bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng pagkaganap ng tsunami sa Indian Ocean. Dumalo sa naturang simposyum ang mga kinatawan ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO), World Meteorological Organization (WMO), at 24 bansa.
Ipinahayag ni Muhammad Nasir, Ministro ng Pananaliksik, Teknolohiya at Higher Education, na pagkaraan ng 10 taong pag-unlad, naging mainam ang tsunami warning system ng Indonesia, at maaaring ipadala ang babala ng tsunami sa loob ng 5 minuto. Pero tinukoy naman ni Susi Pudjiastuti, Ministro ng Ugnayang Pandagat at Industriya ng Pangingisda ng Indonesia, na nitong nakalipas na 10 taon, kasabay ng pagtatatag ng tsunami warning mechanism at pagkokompleto ng instalasyon ng pagtakas sa kalamidad, hindi pa rin tumaas ang kamalayan ng mga mamamayan sa pagpigil at paglaban sa kalamidad.
Salin: Vera