Isusumite ngayong araw ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia ang isang white paper tungkol sa "Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL)" sa Mababang Kapulungan ng Parliamento ng bansa. Ihaharap din niya ang isang bagong mosyon para pagtibayin ng parliamento ang hakbang para sa mahigpit na pagbibigay-dagok sa mga teroristikong aktibidad.
Sinipi kahapon ng pahayagang "The Star" ng Malaysia ang sinabi ni Ahmad Zahid Hamidi, Ministro ng Suliraning Panloob ng bansa, na nagsasabing sa white paper, ilalahad ni Najib ang totoong banta ng mga teroristikong organisasyong gaya ng ISIL sa Malaysia.
Salin: Li Feng