Sa panahon ng kanilang paglahok sa Ika-18 Summit ng South Asian Association for Regional Cooperation na idinaos kamakalawa at kahapon sa Nepal, nagtagpo sina Punong Ministro Narendra Modi ng Indya at Punong Ministro Nawaz Sharif ng Pakistan. Ito ang unang pagtatagpo ng mga lider ng Indya at Pakistan, pagkaraan ng matinding sagupaang naganap noong Oktubre ng taong ito sa hanggahan ng dalawang bansa.
Ayon sa local media ng Nepal, isinagawa ng mga punong ministro ng Indya at Pakistan ang di-pormal na pagtatagpo. Nagkamay sila at maikling nag-usap. Ito ang siyang tanging interaksyon ng mga lider ng Indya at Pakistan sa panahon ng nabanggit na summit.
Salin: Liu Kai