Tinaya ng International Monetary Fund (IMF) na dahil sa malakas na pangangailangang panloob, aabot sa 6% ang paglago ng kabuhayan ng Malaysia sa kasalukuyang taon. Pero dagdag ng IMF, bababa sa 5.25% ang paglagong ito sa taong 2015.
Ipinalalagay ng IMF na aktibong isinagawa ng Malaysia ang mga hakbanging kinabibilangan ng pagkontrol sa pautang ng mga bangko, at pagpapataas ng Overnight Policy Rate (OPR), bagay na makakatulong sa pagpigil sa presyur ng implasyon at paglutas sa kawalang-balanse ng pananalapi. Bukod dito, igagarantiya ng mga hakbanging gaya ng pag-aalis ng fuel subsidy at pagpapataw ng consumption tax ang sustenabilidad ng pananalapi ng pamahalaan.
Salin: Vera