Ayon sa ulat kamakailan ng "Jakarta Post," sa susunod na taon, mangangailangan ng halos 20 bilyong dolyares ang Indonesia para mapaunlad ang mga proyekto ng imprastruktura. Ngunit sa ngayon, 12.8 bilyon pa lamang ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Indones.
Ayon kay Deddy S. Priatna, Asistanteng Ministro ng Pag-unlad at Pagpaplano ng Estado ng Indonesia, hinihintay pa ng kanyang Kagawaran ang atas mula kay Pangulong Joko Widodo, tungkol sa kung paano malulutas ang problema sa kakulangan ng pondo.
Salin: Li Feng