|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia, na ang paghahanap sa nawawalang eroplanong MH370 ng Malaysia Airlines ay pangunahing gawain pa rin ng pamahalaang sentral.
Sa kanyang pahayag, sinabi niya na patuloy na magtutulungan ang Malaysia, kasama ang Tsina at Australia, para hanapin ang naturang nawawalang eroplano.
Noong ika-8 ng Marso ng taong ito, nawala ang Flight MH370 habang lumilipad mula Kuala Lumpur patungo sa Beijing. Ang eroplanong ito ay may lulang 152 pasaherong Tsino.
Ayon sa mga datos, maaring bumagsak ang eroplano sa Indian Ocean, pero wala pang natuklasang anumang palatandaan hinggil dito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |