Ipinalabas kagabi ng Ministri ng Transportasyon ng Rusya ang isang pahayag na pumupuna sa paglabag ng Pambansang Kawanihan ng Abiyasyon ng Ukraine sa narating na kasunduan ng dalawang bansa.
Ayon sa naturang pahayag, iligal ang pag-eembargo ng Ukraine sa regular na linya ng mga eroplano ng Rusya papunta sa Kharkiv at Dnipropetrovsk sa dakong Silangan ng bansang ito. Dahil anang ministry, ang naturang aksyon ng Ukraine ay lumabag sa kasunduan ng kooperasyon at pag-uugnayan ng abiyasyon na nilagdaan ng dalawang panig noong 1994.
Bukod dito, hinimok ng naturang departamento ng Rusya ang Ukraine na alisin ang naturang iligal na pag-eembargo sa mga eroplano ng Rusya at isakatuparan ang obligasyong pandaigdig.