|
||||||||
|
||
Ayon sa panig Singaporean kamakailan, ang magiging bagong direksyon ng paghihikayat ng puhunang dayuhan ng Pilipinas ay imprastruktura, enerhiya, at pang-araw-araw na bilihin.
Napag-alamang dahil sa pagpapabilis ng pagsasabayan, pagtaas ng netong kita, at iba pang elemento, aabot sa 5% ang proporsiyon ng imprastruktura at public spending sa GDP ng bansa, na 2.8% ang bilang sa ngayon.
Sa kasalukuyan, pinagtibay na ng pamahalaan ang mga proyekto ng Public-Private Partnership (PPP) na nagkakahalaga ng 17 bilyong dolyares, at hanggang sa Hunyo ng 2016, 15 pang PPP na nagkakahalaga ng 5.2 bilyong dolyares ang pagtitibayan ng pamahalaan.
Ang isa pang larangan ng paghihikayat ng puhunang dayuhan ng Pilipinas ay proyekto ng enerhiya, lalong lalo na, sa wind power, solar power at proyekto ng pagtutustos ng tubig.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |