Binuksan kahapon sa Washington D.C. ang Ika-7 China-US Internet Industry Forum. Sa kanyang talumpati sa porum, sinabi ni Lu Wei, Ministro ng Cyberspace Administration ng Tsina na sa kabila ng mga nagkakaibang palagay, nananatili pa ring matatag ang pag-unlad ng pagtutulungan ng Tsina at Amerika sa internet. Kaugnay nito, limang mungkahi ang iniharap ni Lu. Una, pagtanggap sa isa't isa, sa halip na pagtanggi; Ikalawa, pagbibigay-galang, sa halip na pagbatikos; Ikatlo, pagbabaha-bahagi ng bunga mula sa kaunlaran ng internet at magkasamang pangangasiwa sa internet, sa halip na unilateral na pag-unlad; Ikaapat, pakikipag-ugnayan at pagtitiwalaan, sa halip na pagdududa; Ikalima, pagtutulungan para sa win-win na situwasyon, sa halip na paglalaban at kompetisyon.
Ipinahayag naman ni Catherine Novelli, Undersecretary of State ng Amerika sa Kaunlarang Pangkabuhayan, Enerhiya at Kapaligiran, na dapat isinagawa at patuloy na isagawa ng Tsina at Amerika ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng cyberspace. Aniya, may malawak na potensyal at komong interes ang dalawang bansa sa pagtutulungan ng cyberspace. Dagdag pa niya, bilang kapwa biktima ng internet hacking, may pag-asang magsikap,parang magkaibigan, ang Tsina at Amerika sa usaping ito.